Menu

I work in ...

Continue

Your content is being adapted
based on your type of business

Pangarap mo bang magsimula ng negosyong pagkain? Maraming tao ngayon ang kagaya mo at nagnanais kumita ng extra income. Marahil ay may mga kapitbahay kang nagsimula na ng kanilang food stall o maliit na carinderia. Kung kaya nila, kayang-kaya mo rin!

Paano mo nga ba sisimulan ito para hindi mahuli at mag-stand out? Hindi ito magiging madali sa umpisa. Pero kung meron kang sipag, tiyaga, at pasensya, siguradong magtatagumpay ka. Samahan mo na rin ng konting creativity at masarap na pagluluto upang mas lalong lumago. 

Paano Magsimula ng Negosyong Pagkain

Handa ka na bang simulan ang iyong negosyo? Sundin ang mga sumusunod para magtagumpay!

Inaabot ng isang kamay sa isa pang kamay ang ilang perang papel.

1. Maglaan ng sapat na puhunan.

Hindi mo kailangan ubusin ang life savings mo para sa isang home-based food business. Gamit ang onting ipon, puwede kang magsimula ng negosyong pagkain sa maliit na puhunan. Tandaan lang na kailangan mong paikutin ang iyong kinikita. Hiwalay dapat ang pera para sa negosyo at ang budget para sa mga personal na gastusin. 

Sa halagang PHP5,000 ay maaari ka nang magsimula ng isang negosyo sa bahay. Kung patok na patok ang produkto mo, gaya ng chicken inasal o mga pastries, mababawi mo na ang iyong puhunan sa ilang araw. Minsan dalawang araw lang ay nakuha mo na ang iyong pinuhunan. Siguraduhin lang na maayos ang iyong food costing at naaral mo nang maigi ang iyong business plan.  

Magkakatabing food delivery motorcycles sa isang parking area

2. Humanap ng magandang location.

Location, location, location! Maraming nagsasabing kailangan mo munang humanap ng tamang location bago simulan ang iyong food business. Totoo ito! Kapag nasa bahay ka lang, makatitipid ka dahil hindi mo kailangan magbayad ng upa, bumili ng mga kagamitan, at mag-hire ng staff. Hangga’t kaya, magpatulong muna sa mga kapamilya.

Ngunit tandaan mo rin na kailangan mo aralin ang mga nakapalibot sayo. Marami ka bang kapitbahay na bibili ng tinda mo? Kumusta ang foot traffic sa harapan ng bahay mo? Kung nasa isang tagong lugar ka na hindi madaling mahanap ng delivery riders, mahihirapan kang palaguin ang iyong negosyo.  

Tatlong estudyanteng kumakain ng pizza

3. Alamin ang iyong target market.

Maraming magandang negosyo kahit sa bahay lang. Pero kailangan mo munang piliin ang iyong target market. Nakatira ka ba sa isang condo na maraming office workers? O malapit ka ba sa isang paaralan? Baka naman nasa isang barangay ka na maraming seniors? Puwede rin na maraming dumadaan na Gen Z sa harapan mo. Suriin ito nang mabuti at alamin ang kanilang mga gustong kainin.

Ang bawat market ay may partikular na pangangailangan. Alamin mo ito para siguradong tatangkilikin ang mga tinitinda mo. Ready-to-eat food ang gusto ng mga professionals. Sulit meals na pasok sa budget naman ang hinahanap ng mga estudyante. At para sa mga seniors, mas gusto nila ng sabaw at gulay. Kung Gen Z naman, tumingin sa social media at hanapin kung ano ang trending – gaya ng mga recipes sa baba na may kasamang food costing.

Hawak ng isang babae ang kutsarang gawa sa kahoy para tikman ang kanyang niluluto

4. Gawing standardized ang menu.

Ang isang comment na ayaw mong marinig ay “Bakit iba na ang lasa nito kumpara sa unang beses kong natikman?” Isa itong malaking no-no! Hindi puwedeng iba-iba ang lasa ng iyong tinda.

Kailangan consistent ang kalidad ng iyong produkto kaya i-standardize mo ang iyong menu. Dapat meron kang recipe para sa lahat ng iyong binebenta. Mahirap umasa sa patikim-tikim lang habang nagluluto. Kailangan din na iisa lang ang itsura ng bawat produkto. Pati texture ay hindi puwedeng pabago-bago.

Isang palengke na puno ng mga nagtitinda at mamimili ng sako-sakong gulay

5. Humanap ng mapagkakatiwalaang supplier ng ingredients.

Huwag ka bibili sa grocery! Kung maaari, iwasan din ang mga stalls sa palengke na nagtitinda ng tingi-tingi. Madalas ay malaki ang patong nila sa presyo ng mga bilihin.

Parating piliin ang wholesale imbes na retail. Huwag mong isipin na mas mahal ang iyong babayaran dahil bulto-bulto ang iyong pagbili. Halimbawa, ang retail price ng Knorr Oyster Flavoured Sauce (3.6kg) ay PHP561.61. Pero kung kukuha ka diretso mula sa supplier, magbabayad ka lang ng PHP534.87 at makatitipid ka pa ng 5% o PHP27. Tandaan din na hindi lang sa isang putahe magagamit ang mga seasoning gaya ng oyster sauce. Puwede ito para sa ulam, chopsuey, pancit, at marami pang iba.

: Dalawang kamay na may hawak ng cellphone habang kinukunan ng litrato ang isang Asian noodle dish

6. Gumamit ng social media.

Hindi sapat na magpaskil ka lang ng tarpaulin sa labas ng bahay. Kailangan mo ng marketing plan para dumami ang bibili sayo. Simulan mo sa pagpili ng business name na bagay sa negosyo mo. Gumawa rin ng isang logo na madaling matandaan ng iyong customers.

Maraming puwedeng gawin upang mas lalong makilala ang iyong negosyo. Isa sa pinakamadali ay ang word of mouth. Magpatikim ng binebenta sa mga kapitbahay at hayaan silang mag-promote sa ibang kilala nila. Sulitin din ang social media, lalo na ang Facebook!  Isa itong malakas na marketing tool para maparami ang iyong mga suki. 

Magandang Negosyo sa Halagang 5K

Sa mababang puhunan na PHP5,000 ay makapagsisimula ka na ng negosyo. Subukan ang mga ideya na ito.

Chicken inasal skewers sa loob ng paper packaging na may kasamang suka, chili oil, at calamansi

1. Pork and chicken bbq

Mahilig ang mga Pinoy sa masarap na barbecue. Mabilis itong gawin at hindi kailangan ng malaking puhunan. Puwede ka magsimula sa 15 servings sa halagang PHP523.10. Bukod sa pork, subukan din ang chicken inasal skewers na healthier alternative.

Isang bamboo basket na may laman na siomai at may kasamang toyo, chili, at calamansi

2. Siomai

Madali lang gumawa ng sariling siomai. Sa halagang PHP100-PHP120, makaluluto ka na ng 10 servings. Lumalabas na PHP10-PHP12 lang ang costing ng bawat isa. Para mas lalo itong sumarap, gumamit ng Knorr Oyster Flavoured Sauce. Puwede ka rin gumawa ng iba pang flavors at magbenta ng frozen packs.

Isang plato na may Korean burger na may laman na beef bulgogi at mga gulay na may kasamang french fries sa tabi

3. Korean burger

Sikat na sikat ang mga Korean food sa mga Pinoy ngayon dahil sa K-Pop at K-Dramas. Kaya siguradong bebenta itong Korean burger na puno ng beef bulgogi at maraming gulay. Makagagawa ka na ng 10 servings nito sa halagang PHP1,435.36 (cost per serving: PHP143.54).  

Isang hiwa ng strawberry graham cake na may fresh strawberries sa ibabaw

4. Graham cakes

Puwede ka pa rin magbenta ng cake kahit walang oven! Kailangan mo lang ng ilang simpleng ingredients, gaya ng graham crackers, condensed milk, all-purpose cream, at kahit anong toppings. Ang total cost para sa eight servings ay PHP795.43 (cost per serving: PHP99.43). Para umangat ang iyong version, gumamit ng Filipino flavors, katulad ng pandan, kapeng barako, at durian.

Isang bandehadong puno ng hiniwang embutido na may lamang hot dog, keso, at nilagang itlog

5. Embutido

Madalas ipinapangregalo ang embutido lalo na tuwing Pasko. Masarap na, mura pa! Makagagawa ka na ng 10 servings sa halagang PHP881.07 (cost per serving: PHP88.11). Pero dahil marami na rin ang nagbebenta nito, kailangan maging special ang recipe mo. Damihan mo ang sahog, gaya ng keso, nilagang itlog, celery, carrots, at pasas. Gamitan din ito ng banana ketchup at Knorr Liquid Seasoning para mas lalong sumarap.

Magandang Negosyo sa Halagang 10K

Kung kaya mo mamuhunan ng PHP10,000, pumili sa mga produktong ito. Lahat ay puwedeng-puwede mong simulan kahit nasa bahay lang.

Dalawang bowl ng sinangag na may adobo flakes at pritong itlog sa ibabaw

1. Silog

Gumawa ng kakaibang silog combinations para makaenganyo ng bagong customers. Puwede ka pa rin magbenta ng tapsilog, tocilog, o longsilog pero maging mas creative. Puwedeng lagyan ng twist ang ulam, dagdagan ang sahog ng sinangag, o ibahin ang luto ng itlog. Halimbawa, gumawa ng silog na may tofu sisig o buttered salmon belly, kimchi fried rice, at adobo eggs.

Isang bowl ng classic beef pares na may kasamang sinangag at maanghang na suka

2. Pares

Panalo ang pares para sa mga naghahanap ng murang late-night meals! Marami rin kumakain nito pagkatapos gumimik. Para maging mas affordable pa ito lalo, gumawa ng chicken o pork version. Bukod sa kanin, puwede mo rin itong samahan ng miki o sotanghon.

Classic beef caldereta na may bok choy at patatas sa takeout packaging

3. Frozen meals

Mabenta rin ang frozen meals lalo na sa mga walang oras magluto. Puwede ka na maghanda ng maraming ulam at iwan na lang ito sa freezer. Para umangat sa iba pang nagbebenta, gumawa ng classic Pinoy dishes na may creative twists.

Korean-style chicken wings na nakapatong sa white parchment paper

4. Chicken wings

Para hindi ka mahirapan, magbenta lamang ng isang klase ng pagkain. Isang halimbawa ay chicken wings! Kailangan mo lang gumawa ng iba’t ibang flavor at sauce para mag-iba ang lasa ng pritong manok. Nasubukan mo na ba ang salted egg wings?

Isang plato ng chicken shawarma na may kasamang yellow rice, dips, sawsawan, gulay, at pita bread

5. Shawarma rice

Panalo rin ang rice bowls bilang home-based business. Mahilig ang mga Pinoy sa chicken o beef shawarma na may kasamang yellow rice at garlic sauce. Para busog na busog ang bawat serving, samahan pa ito ng inihaw na kamatis, shredded cabbage, at extra pita bread.  

Hindi mo kailangan ng malaking puhunan para magsimula ng negosyong pagkain. Kapag nakapili ka na ng iyong produkto, pagtuunan ng pansin ang iyong food costing. Kung maayos ang iyong computations, sigurado kang kikita at lalago ang iyong investment. 

Gusto mo ba ng iba pang masasarap na produkto para sa iyong negosyo? I-download ang FREE eBOOK, Pinoy Recipes with a Twist, para makakuha ng bago at creative na recipes.

Home
Products
Trends
Cart
Menu